by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 19 August, 2015

Para mas maintidihan ng mga awtoridad kung paano pinatay si Rezin Galicha sa boarding house sa loob ng Romblon State University Main Campus nitong Martes, August 18, nagsagawa sila ng re-enacment base sa salaysay ng pinsan ni Galicha na tumatayong witness sa krimen.
Ipinaliwanag ng witness kung paano siya nagising hanggang sa kung paano tumakas ang suspek at kung paano siya nakahingi ng tulong.
Ayon naman kay Senior Police Inspector Alvimar Flores ng Odiongan Municipal Police Station, patuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa kaso.
Sinabi niya rin na may mga maaaring suspect na silang binabantayan ngunit hindi muna umano ito papangalanan hanggat hindi pa nasisigurado ng mga awtoridad.
Ayon sa mga awtoridad, matagal na sigurong minamanman ang bahay ng mga biktima kaya mukhang perpekto ang krimen.
Lumabas naman sa autopsy report na hindi ginahasa ang biktima bago pagsasaksakin.
Lumabas rin doon na nagtamo ng 3 saksak sa extremities at 6 na saksak sa trunks ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.



