Siguridad ng Romblon State University Main Campus, mas hinigpitan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 19 August 2015

Naghigpit naman sa siguridad ang pamunuan ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon matapos na malooban ang isang boarding house na nasa loob ng campus na nagresulta sa pagkakasaksak at pagkapatay sa isang BS Bio student na natutulog sa nasabing paupahan.

Kagabi, halos bantay sarado ang mga gwardya ng campus dahil may palabas ang College of Engineering and Technology sa RSU Quadrangle.

Hinahanapan ng mga naka duty na gwardya ang lahat ng pumapasok sa campus mapa estudyante man o bisita. Binubuksan na rin ang mga bag na dala ng mga pumapasok sa loob para makaiwas sa mga taong may dalang patalim o bagay na makakasakit ng kapwa nito sa loob ng university.

Nakikipagtulungan na rin ang pamunuan ng Romblon State University sa mga kapulisan upang mas mapabilis ang imbestigasyon sa nasabing kaso.