Mga tinamaan ng Dengue sa Romblon, pumalo na sa 106

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 06 August 2015

Mas lumaki pa sa unang linggo ng Agosto ang mga tinamaan ng sakit na dengue sa buong lalawigan ng Romblon.

Batay sa taya ng Provincial Epidemiological and Surveillance Unit ng Department of Health - Romblon, pumalo na sa 106 ang mga tinamaan ng dengue simula January hanggang August 03.

Sampu naman sa mga tinamaan ng dengue ay mga estudyante ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon.

Ayon naman kay Ralph Falculan ng Department of Health MIMAROPA, biglang tumaas ang mga tinamaan ng sakit noong nakaraang buwan dahil sa maaring sunod-sunod na naranasan na ulan sa probinsya.

Muling paalala ng pamunuan ng Department of Health, ugaliing malinis ang mga bakuran upang hindi pagpugaran ng mga lamok.

Iba't ibang misting na rin ang isinagawa sa iba't ibang lugar sa Tablas Island, bilang aksyon sa pagdami ng mga tinamaan ng dengue sa lugar.