
Isang araw bago ang malaking Metro Manila-Wide Simultaneous Earthquake Drill, nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa Romblon State University (RSU) Main Campus ng earthquake drill.
Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Kabalikat Civicom, at ng Health Unit ng bayan, mga estudyante, guro at staff ng unibersidad.
Mag-aalas 9 ng umaga nang tumunog ang malakas na sirena, hudyat na may nangyayaring lindol.
Nagsilabasan ang mga estudyante habang naka hawak sa ulo, sumunod naman lumabas sa kanila ang mga guro.
Nagsagawa rin ng fire drill, at first aid response ang mga tauhan ng PNP, BFP, at Health Units sa ilang kunware'y nasaktan sa nangyaring lindol.
Isang estudyante naman ng College of Engineering and Technology ang hinimatay habang isinasagawa ange Earthquake Drill dahil umano sa mainit na kapaligaran.
Agad naman siyang dinala sa isang kiosk, at nilapatan ng first aid.
Paalala ng Bureau of Fire Protection, laging tandaan ang basic DCH kapag may lindol, ito ay ang Duck, Cover and Hold.
