by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, 05 July 2015
bagyo
Odiongan, Romblon - Apektado ng masamang panahon ang lalawigan ng Romblon kahit hindi ito sentrong dinaanan ng bagyong #EgayPH.
Nakakaranas ng pabugso-bugsong pag-uulan ang bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island ngayong araw.
Ayon kay Romblon News Reporter Eugene Rex Dianco, apektado ang mga signal ng kumunikasyon sa Isla dahil sa malalakas na hangin.
Tumaas na rin ang mga ilog sa Cantingas River, ayon sa hiwalay na balita ni Romblon News Reporter Joseph Gutierrez.
Nakahanda na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bayan ng San Fernando sa maaring pagtaas pa ng tubig sa mga ilog. Nakahanda na rin ang mga barangay sa maaring sanhi ng tuloy-tuloy na ulan.
Sa Odiongan sa Tablas Island naman, stranded ang mga mamimili sa Odiongan Public Market dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan ngayong umaga, ayon kay Romblon News Reporter Ken James Fadriquela.
Naapektuhan naman ang mga bahay malapit sa baybayin sa Barangay Budiong ng masamang panahon. Nakaranas kagabi ng Storm Surge o Daluyong ang mga residente ng nasabing barangay dahil sa high-tide at malakas na hangin dala ng habagat.



