Lalakeng wanted sa kasong attempted homicide, nadakip ng Magdiwang MPS

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

Photo Courtesy of PNP Magdiwang

Timbog ang lalakeng may kasong Attempted Homicide sa bayan ng Barangay Agutay, Magdiwang, Romblon pasado ala-una ng hapon nitong nakaraang Linggo, August 16.

Nakilala ang naaresto na si Andres Relox Gajisan, 46 years old, at residente ng Barangay Magtanggol, Bansud, Oriental Mindoro.

Ayon sa Magdiwang Municipal Police Office, nahuli nila si Andres Relox Gajisan na may kaso sa Oriental Mindoro sa bisa ng isang warrant of arrest MCTC Bansud-Gloria noong July 14, 2015.

Hawak na ng Magdiwang MPS ang suspek at maari siyang makalaya kung makapag piyansa ng P12,000.