Lalake, huli sa buy bust operation ng PNP sa Magdiwang

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Satuday, 08 August 2015

Nahulihan ng shabu ang isang lalake sa isang buy-bust operation sa Magdiwang | Photo Courtesy: Magdiwang MPS

Napasakamay ng pulisya ang isang lalakeng hinihinalang tulak ng shabu sa bayan ng Magdiwang, Romblon kahapon.

Ito ay matapos magsagawa ng buy bust operation ang Magdiwang Municipal Police Station kasama ang PDEA Romblon sa Sitio Riverside, Barangay Poblacion, Magdiwang, Romblon pasado alas-5 ng hapon kahapon.

Ayon sa Police Report ng Magdiwang Municipal Police Station, nakilala ang nahuli na si Joseph Patiño, 48 years old, residente ng Barangay Poblacion.

Nakuha sa kanya ang dalawang (2) silyadong sachet ng shabu, apat (4) na P500, at tatlong (3) P1000, at twenty-six (26) P100, at isang resibo ng isang pawn shop.

Agad na dinala si Patiño sa Sbiuyan District Hospital para isailalim sa drug test. Kasalukuyang nakakulong si Patiño sa Magdiwang Municipal Police Station.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 si Patiño.