Isa patay sa salpukan ng dalawang sasakyan sa Looc, Romblon

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News

by Bebito Gado Jr., RomblonNews | Tuesday, July 21, 2015

Graphics for illustration only. (Source: www.thehandsindia.com)

Isa ang patay sa nangyaring salpukan na kinasangkutan ng isang motorsiklo at tricycle pasado alas-6 kagabi sa Barangay Camdandag sa bayan ng Looc, Romblon.

Nakilala ang nasawi na si Raffy Aguire Tubi, residente ng Barangay HInag-oman sa bayan ng Ferrol.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng Romblon News, habang binabaybay ng dalawang sasakyan ang kalsada sa Barangay Camandag, nag overtake ang motorsiklong minamaneho ni Tubi pero hindi ito napansin ng driver ng tricycle at bigla itong lumiko na naging dahilan naman ng pagkakasalpok sa kanya ng motorsiklo.

Nagkawasak-wasak ang motorsiklo habang dead on the spot naman ang driver nito.

Nagtamo naman ng sugat ang driver ng tricycle.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng Looc Municipal Police Station ang nasabing aksidente.