
Nagpapatupad na ng 24 oras na curfew ang bayan ng Ferrol, Romblon alinsunod sa bagong kautusan ng Department of Interior and Local Government kaugnay parin sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Isa sa mga itinuturong dahilan ni Mayor Jovencio Mayor Jr. kung bakit niya ipinatupad ang 24 oras na curfew ay ang hindi pagsunod ng karamihan sa mahigpit na home quarantine.
Maliban sa curfew, papayagan nalang umano ang lahat ng mamimili ng kanilang mga supplies mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga.
Mananatili naman umanong walang pasok ang mga opisina ng gobyerno sa bayan hanggang April 14.
Nagpapatuloy naman ang mga checkpoints ng mga barangay officials, at mga tauhan ng Ferrol Municipal Police Station sa lahat daanan papasok ng kanilang bayan.



