Residents of Calatrava and Santa Maria get wet for the San Juan Fiesta

Written by Che Che Factor | Romblon News

by Che-Che Factor, Romblon News with report from Renand Pastor | Friday, 24 June 2016

Sa mga dagat nagpalipas ng hapon ang ilang pamilya sa bayan ng Calatrava at Santa Maria bilang pagdiriwang sa fiesta ni St. John the Baptist o San Juan Bautista.

Sa bayan ng Calatrava, may pami-pamilya pang nagtayo ng tent sa dagat at doon na rin nag ihaw ng mga pagkain.

Hindi alintana ang maulap na panahon sa lugar.

Sa Barangay Concepcion Norte naman sa bayan ng Santa Maria, dagsa rin ang mga tao sa dagat.

Ang barangay nag lagay pa ng mga flaglets para mas gumanda ang view sa lugar.

May ilan pang nag leave muna sa trabaho upang makasama lang ang pamilya.