More than 30 passengers stranded in Calatrava Port due to Habagat

Written by Che Che Factor | Romblon News

Aabot sa mahigit 30 pasahero na patungo sanang Corcuera, Simara Island ang stranded ngayong araw sa Calatrava Fish Port sa bayan ng Calatrava dahil sa masamang panahon.

Nagdala ang hanging habagat na pinalakas ng low pressure area sa hilagang luzon ng malalakas na pag-uulan sa probinsya ng Romblon ngayong araw at matataas na alon.

Kinansela ng Philippine Coast Guard ang lahat ng biyahe ng bangka at maliliit na RORO vessels upang makaiwas na sa sakuna.

Pansamantalang tumuloy sa mga lodging houses ang mga straneded na pasahero.