by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 15 July 2015
bantonNawawala parin ang bangkang Joanna Karla na lulan ang dalawang pulis at dalawa pang sibiliyan na naglayag kahapon ng hapon patungong Banton Island, Romblon galing sa Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsagawa na kanina ng rescue operation ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fisheries and Aquaitc Resources, at ilang mga volunters ngunit hindi parin nila nakikita ang nasabing bangka.
Malalakas ang alon sa karagatan na sakop ng Probinsya ng Romblon kaya maaring lumubog ito dahil sa masamang panahon, dagdag pa ng isa sa mga opisyal ng PDRRMC.
Sakay ng bangka ang dalawang Romblon Police Personnel na sina PO2 Paul John Masajo (may-ari ng bangka), at si PO1 Imee Magada.
| Larawan ni PO1 Imee Magada, isa sa 2 na lulan ng pribadong motorbanca na nawawala. Kasama nya ang isa pang pulis na nagmamay-ari ng banca na si PO2 John Paul Masajo. (Photo grabbed from A-Ice Mayuga Jaboli Facebook post regarding the same story) |
Update as of July 16, 2015: Search and Rescue Operation para sa bangkang Juan Carla, magpapatuloy ngayong araw




