
Aabot na sa halos 300 katao ang kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation areas sa bayan ng Banton, Romblon dahil sa banta ng bagyong Tisoy.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan, ipinagutos na ni Mayor Milagros Faderangga ang force evacuation sa mga critical areas sa bayan katulad sa mga delikado sa landslide at sa mga coastal barangays.
Pansamantala munang tumutuloy sa mga evacuation centrs, simbahan, at sa mga kakilala ang mga inilikas na pamilya.
Sa ngayon, wala pa masyadong nararanasang ulan ngunit malakas na ang hanging nararanasan rito.
Patuloy ang monitoring ng mga ahensya ng gobyerno sa bayan sa posibleng epekto ng bagyo.



