by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 06 July 2015
Ipinagdiwang ng mga tauhan ng Banton Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Edwin Bautista ang Arboy Day Celebration noong July 03, 2015.
Ang Arbor Day ay isang araw ng pagpapakita ng mga kapulisan ng kahalagahan ng Planetang Earth sa mga tao.
Kasama ang mga empleyado ng Local Government Unit ng Banton, Romblon sa pangunguna ni Mayor Jory Faderanga, KALAHI CIDS (NGO), mga guro at barangay officials ng Tumalum, at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's) ng Department of Social Welfare and Development, nagtanim sila ng two hundred (200) buto ng pinagsamang mahogany at paper tree sa taas ng Tamalum-Lagang Elementary School sa nasabing bayan.
Ayon kay Police Inspector Edwin Bautista, kahit sa ganitong paraan man lang umano ay makatulong na sila para maibalik ang dating kagandan taglay ng ating planeta kung saan nakukuha ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao katulad ng pagkain, tubig, bahay, kuryente, kayamanan at iba pa.



