Benepisyaryo ng SAP at 4Ps sa Alcantara, arestado matapos mag 'tong-its'

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado ang tatlo katao sa bayan ng Alcantara matapos di umanong maaktuhang naglalaro ng 'tong-its', kabilang ang dalawang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SA) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon sa police report na pinadala ng Alcantara Municipal Police Station sa Romblon Police Provincial Office, ang mga naaresto ay kinilalang sina Nikko Gadacho, 22; Mark Angelo De Luna Tejolan, 28, benepisyaryo ng SAP; at Mae Bernardo Tejolan, 39, benepisyaryo ng 4Ps.

Nakatanggap umano ng text mula sa isang concerned citizen ang mga kapulisan na nagkakaron ng illegal gambling activity sa Sitio Sampalok, Barangay Gui-ob kaya agad silang nag-operate sa lugar nitong hapon ng Linggo.

Naaktuhan umano nilang naglalaro ng 'tong-its' sa isang shaded area.

Nakuha sa kanila ang isang deck ng playing cards, at mga bet money na aabot sa P460.

Mahaharap sa kaukulang reklamo ang tatlo.