
Niyanig ng isang lindol ang ilang bahagi ng Romblon bandang 1:47 ng madaling araw nitong Huwebes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lakas ang lindol na Magnitude 2.4 at naitala sa layong 23km NE ng Alcantara, Romblon.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naramdaman ang lindol sa bayan ng Alcantara at Santa Fe.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang damage at aftershocks ang nasabing pagyanig.



