Zero casualty ang Hagupit ni Tisoy sa Alcantara

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Walang naitalang casualty sa bayan ng Alcantara sa pananalasa ng bagyong Tisoy kahapon. Tanging mga pananim na saging, niyog at ilang mga puno ang nahagip ng bagyong ito.

Kahit walang casualty, hindi nakaligtas sa baha ang Barangay San Roque at Bonlao matapos umapaw ilog sa lugar bandang alas-3 ng madaling araw kahapon. Umabot hanngang sa baywang at hanggang binti ang lalim ng baha sa Brgy. Gui-ob.

Mayroon ding mga bahay na nadaganan ng mga puno sa Brgy ng Tugdan, Lawan at Camili dahil sa sobrang lakas ng hangin na bumayo sa bayang ito.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Managament Office, umabat sa hanggang 238 katao ang lumikas mula sa 12 kabarangayan sa bayan ng Alcantara bago at sa kasagsagan ng Bagyong Tisoy.

Samantala, personal na binisita ni Mayor Riza Pamorada ang mga nasasakupang mga barangay kasama ang MDRRMO, MSWDO, Kabalikat-Civicom, Alcantara MPS upang masiguro ang kaayusan ng kanyang mga kababayan.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin na kumakalap ng iba pang mga datus at impormasyon ang MDRRMO kasama ang buong team nito. Basta ang mahalaga ay walang naitalang nawala o namatay dahil sa bagyo