by Paul Jaysent Fos, Romblon News/Mary Grace H. Fontelo, PIO-DTI Romblon | Saturday, 15 August 2015

Apat na araw na nag-ikot ang Regional Monitoring and Enforcement Team (RMET) ng Department of Trade and Industry - MIMAROPA sa Tablas Island, Romblon mula nitong August 10 hanggang August 13 upang mag-inspeksyon sa mga produktong itinitinda sa mga malalaking tindahan sa Isla.
Binisita ng grupong binubuo ng mga team leader galing sa DTI-Marinduque, at mga representatives ng DTI-Occidental Mindoro and DTI-Regional Office ang mga bayan ng Sta. Fe, Looc, San Agustin, Calatrava, San Andres, Sta. Maria at Alcantara.
Sa pag-iikot ng mga RMET ng DTI-MIMAROPA sa Isla, 2 out of 30 na tindahang binisita nila ang lumabag sa Department Order No. 2 series of 2007 na kung saan ay pinagbabawalang magtinda ng mga produktong hindi nakapasa sa PNS quality or safety standards ng Pilipinas.
Ayon sa Section 6, item 6.2.1 ng nasabing kautusan ng Departament of Trade and Industry, “Importation, distribution, sale, offer for sale or manufacture of any product covered by mandatory product certification which does not bear the BPS required identification and product markings.”
Nakuha grupo sa mga tindahang lumabag sa kautusan ng Departamento ang dalawang rolyo ng wires at cables, 148 piraso ng compact fluorescent lamp at 39 pcs ng electric tapes.
Matatandaang nitong February 9-13, nag inspeksyon an RMET ng DTI-MIMAROPA sa bayan ng Odiongan na kung saang 1 out of 40 na tindahan ang lumabag sa Law of Products Standards.
Patuloy naman ang mga isasagawang programa ng Department of Trade and Industry Romblon katulad ng Consumer Congress at Provincial Consumer Quiz Bee na kung saan magiging daan upang maging aware ang mga consumers kaugnay sa mga binibiling produkto.



