Tatlong bayan sa Tablas Island, walong oras mawawalan ng kuryente sa Biyernes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 06 August 2015

Inanunsyo ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO na mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa silanggang bahagi ng Tablas Island, Romblon buong araw ng Biyernes, August 07.

Ayon sa anunsyo ng TIELCO, apektado ng walang oras na brownout ang Barangay Agpudlos sa San Andres, buong Munisipalidad ng Calatrava, at buong Munisipalidad ng San Agustin maliban sa Barangay Bachawan at Camantaya.

Ang nasabing power interruption ay dahilan ng ng isasagawang pag-aayos sa tapping pole sa Sitio Lower Agbadyang at Lower Campo sa Barangay Agpudlos sa bayan ng San Andres.

Magsisimula ang brownout alas-8 ng umaga at magtatapos alas-4 ng hapon.