Limang bagong kaso ng Covid-19, naitala sa Romblon, Romblon ngayong Lunes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Malungkot na ibinalita ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) ng lalawigan ng Romblon na may limang bagong kaso ng Covid-19 sa bayan ng Romblon, Romblon at lahat sila ay dulot ng local transmission.

Ayon sa PESU, sa dumating na 22 test results ngayong araw, 6 rito ay nagpositibo kabilang na ang nauna ng naibalitang pasyente sa bayan ng Cajidiocan ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa 7 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong lalawigan kung saan 6 sa Romblon at isa sa Cajidiocan.

Sa pangkalahatan, meron ng naitalang 109 total cases sa probinsya kung saan 69 rito ay local transmission habang 40 naman ay imported case o LSI/APOR.

Wala pang inilalabas na pahayag ang lokal na pamahalaan ng Romblon kaugnay sa bagong kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar.