FILE PHOTO
Patuloy na umaakyat ang mga pasyente sa Romblon na tinatamaan ng dengue virus, matapos makapagtala ng 205 na bagong kaso ang Department of Health - MIMAROPA sa lalawigan nitong huling apat na Linggo.
Ayon sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Department of Health - MIMAROPA, mula January hanggang August 19 ay nakapagtala sila ng 430 pasyente na tinamaan ng dengue sa lalawigan. Tatlo naman ang naitala ng namatay sa probinsya dahil sa dengue.
Pinakamaraming kaso ay naitala sa bayan ng Romblon kung saan may 203 ng kaso ng dengue, sinundan ng San Agustin, Looc, Alcantara, Santa Fe, Odiongan, San Jose, San Andres, Cajidiocan, San Fernando, at Concepcion.
Matatandaang nagdeklara na ng national dengue epidemic ang Department of Health dahil sa patuloy na paglubo ng mga tinatamaan ng sakit at namamatay.
Patuloy naman ang ginagawang paalala ng DOH at ng Provincial Health Office sa publiko patungkol sa 4 o'clock habit at ang pagsunod sa 4S kontra dengue, ito ay ang Search and Destroy, Self-Protection Measures, Seek Early Consultation, at Say No To Indiscriminate Fogging.
Nagpasa na rin ng resolution ang iba't ibang bayan para magsagawa ng kabi-kabilang clean-up drive sa kanilang lugar para iwas sa lamok.



