
Bukas na para sa publiko ang Eco Oil, bagong tayong gasoline station na matatagpuan sa Looban, Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Nagbebenta sila ng diesel, at gasoline para sa mga jeep, kotse, at motorsiklo sa murang halaga.
Ayon sa manager ng Eco Oil ng makausap ng Romblon News Network nitong Linggo, mas mura ang kanilang gasulina sa ibang gas station dahil sa mababa umano ang bigay ng kanilang supplier.
Ang Eco Oil ay sister company ng USA 88 Motor Oils, at may marami ng branch sa ibang probinsya.
