by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 06 July 2015

Opisyal ng binuksan ngayong Linggo ang registration para sa Color FunRun 2015 na handog ng Odiongan Municipal Police Station, Romblon Philippine Public Safety Company and Odiongan District Jail.
Ayon kay Police Inspector Alvimar Flores, layunin ng programa na malayo ang mga kabataan sa Romblon sa mga druga o ano mang illegal.
"Layunin dito ng mga kapulisan ay maituro sa mga bata ang pagiging physically fit at malayo sa ano mang illegal na gawain", ayon kay PInsp Flores.
Ang nasabing Fun Run ay gaganapin sa Odiongan Public Plaza sa August 01, kung saan inaasahang dadaluhan ng mga rehistradong estudyante, guro, local government officials, at iba pang gustong sumali.
Magkakaroon rin ng photobooth at zumba dance tutorial sa mismong araw ng Fun Run.
Ang Color FunRun 2015 ay hatid rin sa inyo ng Romblon News, Smart, 2Go Travel, Jacob's Tech and Sports, Digi-Fy Graffix, SplashPure at nina Congressman Madrona, Governor Firmalo, at Vice Governor Riaño.
Para sa mga gustong mag pa-rehistro, maari kayo bumisita sa mga opisina ng Odiongan Municipal Police Station, Romblon Philippine Public Safety Company and Odiongan District Jail. Bukas rin ngayong araw ang booth ng ating mga kapulisan sa main gate ng Romblon State University.



