Probinsya ng Romblon, tula ni Aangel Grace Emprese

Written by Romblon News

Photo Courtesy of Akeen Tan NavarretePhoto Courtesy of Akeen Tan Navarrete

Bawat lugar may magagandang tanawin
Iba't ibang pagkaing iyong mamahalin
Higit na masisiyahan sa mga taong makakasalamuha
At sa mga experience na tunay na nakakamangha


Mga masasayang karanasan
Sa aming probinsya makakamtan
Walang iba kundi ang Romblon, aking mahal
May mga iba't ibang opisyal na nahalal


Sa kanya kanyang isla at bayan
Mga tanawing siguradong instagramable
Oh Diba? Bongga! May souvenirs pang marble
Sa isla ng Tablas, nandyan ang beach na Binucot


Siguradong tanggal ang stress at pagkabagot
Malamig na tubig nasa Busay Falls sa San Agustin
May Tinagong Dagat sa Calatrava, siguradong di mabibitin
Mga nag gagandahang nilalang sa San Andres


Odiongan nama'y mga pagkain ay da best!
Sanktwaryong relaxing matatagpuan sa Looc
Ayaw mong maniwala? You should go and see!


Malinis na tubig dagat nasa Aglicay beach sa Alcantara
Galing sa ibang lugar sakay ng eroplano, sa Ferrol ka papara
May dalawang Santang bayan, Sta. Fe at Sta. Maria
Boom Panes ka sa kagandahan ng lugar nila


Hindi naman papahuli ang San Jose
Wit ka! Lugar nila na feature na sa Tv
Dayo naman tayo sa Sibuyan
Sakay ng pandagat na sasakyan


Nariyan ang Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando
Masasaksihan riyan ang Cresta de Gallo
Kahit sino pwede, mapabata man matanda pati na rin balo
Mayroon pang falls at ilog


Sa Cantingas, ang sarap magpahulog
Meron pang Dagubdob Falls
Mayaman sa kalikasan kahit walang malls
May tatlong Islas pa


Binubuo ng Sibale, Banton at Corcuera
Magkakasunod sunod na isla, may mga hugis pa
Iba- iba man ang dayalekto na meron tayo
May pagkakaisa at pagkakaintindihan pa rin sa puso


Bago pa matapos ang aking tula
Isusulat ko rin syempre kung saan ako nagmula
Walang iba kundi sa bayan ng Romblon
Mga nagsasayawang mga alon


Sa malinis na dagat parang ayaw kong umahon
Hindi magpapahuli sa beach, kami ay may Bonbon beach
Sa ganda nito, Sa TV na-feature na rin ito
Hindi mo rin palalampasin ang isla ng Cobrador


Sa Calvary, malinis na hangin at magpalipad ng bulador
Wala nang hahanapin pa sa aming Probinsya
Sa mga hindi pa nakakapunta, ika'y dumayo na!
Hindi mo lang ila-like, pupusuan mo pa!