Sakit sa bato, hindi hadlang sa pag-aaral

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, July 25, 2015

Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang tila walang pakialam para sa kanilang kinabukasan. Ilan sa mga ito ay binabaliwala nalang ang malaking oportunidad sa kanilang buhay. Maraming kabataan na bagkus na mag-aral ay mas pinipili pang maglibang at maglaro ng kung ano-anong computer games na kinahihiligan nila.

Sa bayan ng Looc, nakilala namin ang isang batang patuloy na tumitingin sa hinaharap ng kanyang buhay sa kabila ng karamdamang dinadala.

Siya si Leobin Medina, residente ng Barangay Camandag at kasalukuyang nag-aaral sa Looc Central Elementary School sa nasabi ring bayan.

Ayon sa mga guro ni Leobin, masipag basa at magsulat ang bata at gustong laging nasa paaralan para mag-aral.

Kumalat sa Facebook ang kanyang mga larawan na i-pinost ng Official Facebook Account ng nasabing paaralan upang humingi ng sulong at suporta sa mga makakabasa para kay Leobin na nakikipaglaban sa sakit sa bato.

Nangangailangan si Leobin ng tulong para sa pagpapatuloy ng kanyang dialysis.

Dagdag pa ng nasabing post,, ang nasabing tulong ay para madugtungan pa ang buhay ni Leobin.

Para sa mga gustong tumulong maari kayong mag text sa 09286976214 o kaya ay mag email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Maari niyo rin kontakin ang pamunuan ng Romblon News para rito.