Christmas Greetings: SP Felix Ylagan

Ang buong Kristianismo ay muling ipagdiriwang ang araw ng kapanganakan ng ating Poon na si Hesus sa ika-25 ng Disyembre. Ang araw na ito ay ginugunita upang ating sariwain ang pagmamahal ng Diyos sa kanyang mga nilalang.

Sa araw na ito ay araw ng pagkakaisa at pagmamahalan. Ang araw na ito ay nagbubukas ng pinto upang tayo ay magpatawad at kalimutan ang mga masasakit na pahina sa aklat ng ating buhay. "Give love on Christmas Day.. " ayon sa isang sikat na awitin.

Pagkakaisa at pagmamahalan. Ito po ang magiging susi upang tayo at ang ating mahal na lalawigan ay umunlad at sumagana. Sa isang maunlad at masaganang lalawigan magkakaroon ng wastong pagkain ang bawat pamilya, edukasyon para sa ating mga kabataan, trabaho para sa ating manggagawa, klinika at pagamutan sa mga may sakit at senior citizens, at isang malinis at maayos na kumunidad.

Ating pagsumikapan na matupad na maging maunlad at masagana ang ating lalawigan. Alam naman nating lahat na napakaganda ng ating lalawigan at napakamasayahin ng ating kababayan. Kaya ating pinag iipunan na sa tuwing sasapit ang Pasko tayo po ay sama sama dito sa ating lalawigan para makapiling ang ating mga kaibigan, kamag anak at pamilya. Kahit siksikan sa barko at malakas ang alon tayo ay uuwi sa ating lalawigan dahil dito po natin binubuo ang ating pangarap at humuhugot ng lakas na lumikha ng isang lalawigan na maunlad at masagana.

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.