
Humihingi ng tulong ang mga magulang ni Trisha Mae Ferrancullo para maipagamot ang kanilang anak na kasalukuyang naka-confine ngayon sa ISIAH Hospital & Medical Center sa Odiongan, Romblon dahil sa isang sakit.
Ayon sa ina ni Trisha Mae na si Elnie, January 21 ng isugod nila si Trisha sa Romblon Provincial Hospital dahil may kinum-bulsyon ang bata dahil sa mataas na lagnat at kalauna'y na diagnose na may bacterial meningitis.
Maganda ang pangangatawan ni Trisha bago dalhin ng ospital ngunit pumayat dahil sa sakit.
February 22 ng ilabas ito sa ospital para sa bahay nalang magpagaling ngunit ibinalik makalipas ang isang linggo matapos mag seizure.
Payo ng Doctor kay Elnie, dalhin sa ospital sa kalapit na probinsya si Trisha Mae para ipa-magnetic resonance imaging o MRI para umano mas makita ang sakit ng siyam na taong gulang na bata.
Hindi sapat ang pamumuhay ng pamilya ni Trisha Mae kaya humihingi sila ng tulong sa publiko para maipagamot ang dating masigla at masiyahing bata.
Para sa mga gustong tumulong sa pagpapagamot ni Trisha Mae, maaring kontakin ang kanyang pamilya sa 09460971323.



