
Sumalang sa 'Get To Know' ng Romblon News Network ang nagbabalik sa politika na si Atty. Eleandro Jesus 'Budoy' Madrona upang mas maiparating niya sa taong bayan ang kanyang mga plataporma kung sakaling palarin ngayong halalan.
Si Madrona na tubong San Agustin, Romblon, kapatid ni Incumbent Romblon Rep. Emmanuel Madrona, ay tumatakbo muli sa pagka-Congressman sa ilalim ng Nationalista Party sa lalawigan ng Romblon.
Nagbigay si Madrona ng mga plataporma para sa iba't ibang sektor ng probinsya kagaya ng: Tourism, Infrastructure, Education,
Tourism & Infrastructure
"For me, to have a very effective tourism program, ano 'yun, ano ang dapat kung gawin. That means to say, I have to improve the connectivity, I have to improve the roads, I have to improve electricity and etc. Habang wala ang mga assets na ito, tourism will never prosper in the province of Romblon," ayon kay Madrona.
"So I'm already satisfied but not yet fully, that we have a lot of roads being built leading to tourism area, but I have to be frank about it that, marami pa tayong dapat gawin like Carmen-Sugod-Long Beach-Cawayan going directly to the bluehole, that is the only one of the two bluehole [recorded] in the world," dagdag niya.
Sinabi rin ni Madrona na maraming proyekto ang national gov't na dapat tapusin at ipagawa katulad ng mga cross country roads na mas napapabilis ang travel time ng mga motorista galing sa isang bayan patungo sa isa pang bayan o lugar.
"Sa totoo talaga, theres even no need of legeslation because we have a lot of legeslation already protecting and enhancing tourism, all you need to do is connect it with that –roads leading to tourism was a legislation, nobody knew it, [hanggang] sa nalaman ko kaya marami akong nakuha [–ng project]," dagdag ni Madrona.
Sinabi rin nito na malapit na matapos ang mga pinapagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mga circumferencial roads sa mga isla ng Tablas, Carabao, Romblon, at Sibuyan.
Malaking bagay rin umano ang pagdagdag ng mga RORO ramps at biyahe sa mga tourism areas katulad ng Alcantara, Santa Fe, San Jose, Banton, Corcuera, Concepcion, Sibuyan, at Carmen sa San Agustin.
Education
"Who will not invest in the youth? A leader who will not invest in the youth is not a leader at all, he doesn't know what he's doing," pahayag ni Madrona.
Ang pagpasa niya umano ng bill sa Congress noon para sa convertion ng Romblon State College sa University ang isa sa mga nakita niyang paraan para matulungan ang mga estudyanteng nangangarap lang noon na makapag-aral sa mataas na antas ng paaralan.
"I'm happy that being the highest already in the education, no other congressman can – ano pa bang pwede itaas niyan?," dagdag na pahayag ni Madrona.
Patuloy rin umano silang tutulong sa Department of Education upang makapagdagdag ng mas maraming senior highschool building sa mga paaralan sa buong probinsya para matugunan ang kakulangan ng classroom sa mga estudyanteng naabutan ng K-12 program gobyerno.
"Itong senior highschool building, hindi pwedeng building lang, hindi pwedeng upuan lang, hindi pwedeng lamesa lang, alam mo naman 'yung three mandates ng senior highschool – kung gusto mo ng Engineering, 'yung last two years mo, itutok sa engineering – they will have all the equipment," aniya.
Kung marami umanong graduate mula sa Romblon, hindi na umano kailangan na kumuha pa ng mga empleyado mula sa ibang lugar para magtrabaho sa probinsya dahil meron na umano tayong mga graduate. Hinalimbawa nito ang mga bagong hotels at resorts na hindi na naghanap ng mga empleyado sa ibang lugar dahil may mga nagtapos na sa Romblon National Institute of Technology at sa Romblon State University.
Health
Pagdating naman sa kalusugan, sinabi ng dating Congressman na kailangan ng lalawigan ng Romblon ng 'dependable' na mga ospital na tatanggap ng mga pasyente mapa-lokal man o mga turista.
On Island Municipalities
Pagdating naman umano sa mga proyekto sa mga island municipalities, patuloy parin umanong tutulungan ni Madrona ang mga munisipyo na mapasemento at mapalapad ang mga kalsada sa kanilang mga bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pondo para rito.
Nabigyan na rin umano ng 24 Oras na serbisyo ng kuryente ang Tres Islas sa tulong ng National Power Corporation.
Focus rin umano ni Madrona para sa mga island municipalities ay ang pagdagdag ng mga alternate ports para may madaungan ang mga RORO mapa-habagat man ang hangin o amihan.
Issues
Samantala, sinagot naman ni Madrona ang issue patungkol sa nakabinbin niyang kaso sa Sandiganbayan na isinampa ng Ombudsman kaugnay sa mga di umano'y overprice na abuno na binili ng Provincial Government sa panahon niya bilang Gobernador.
"Two or three days ago, there is a story over the radio saying that I was convicted in an administrative case. Take note, a congressman will never be convicted on an administrative case because the law of the Ombudsman does not have jurisdiction over members of the congress," pahayag ni Madrona.
"Ibig sabihin, you charge the congressman administatively, the Ombudsman will dismiss that because under the – hindi sakop. Pero I admit na I was indicted criminaly pero that charge na pinagmamalaki noon was dismiss by the Ombudsman then he refilled the same, pero dinagdag na ako. Paano niya masasabi na convicted ako, eh hindi pa nga natatapos ang prosecution?" dagdag pa ni Madrona.
Parting Message
"Ang masasabi ko lang talaga, let the result – this election should not be based on – 'yung mga negative na paninira no. I think our people should really evaluate who is the most capable to do the best for the province," pahayag ni Madrona.
"Ang pakiusap ko lang sa mga kababayan [natin], gaya niyan issue ng fertilizer, ang sinasabi nila 'Bakit daw boboto pa tayo kay Budoy eh, ikukulong na rin naman yan," yan na nga eh, at 'makasalanan daw yan'. Pero ang tanong ko, kunyari: may isang nagloko, kinasuhan ka, at haven't proven to be guilty, are you guilty? Kaso these guys are telling that I'm guilty at 'wag na, masasayang lang daw 'yung boto'. So ang sabi ko, Huwag naman tayo mag decide base on the story, ang daming Fake News, siguro tingnan nalang nila ang senseridad ng ating mga kandidato and then those whom they believe will best serve the province base on their performance and platforms of gov't," dagdag pa nito.
"Basta sa akin, pag ako parin ang na elect, rest assured that I will fight that the tourism will prosper, that's the only way our province will be going up," huling pahayag ni Madrona.


